Ako ay ipinanganak na tunay na babae ngunit itinadhanang maging pusong lalake.
Bata pa lang ako ay 50-50 na ang lagay ko. Wala akong malubhang sakit na ikamamatay ko ngunit may malubhang pagtataka naman ako tungkol sa kasarian ko. Nung bata ako madalas ako makipaglaro sa mga pinsan ko madalas din akong maglaro ng magisa lang dahil wala akong kapatid. Oo solong anak ako kaya mahirap na ibulgar ko ang tunay kong pagkatao at dahil na rin karamihan sa kamag-anak ko ay mapanghusga sa mga bakla at tomboy, hindi nila tanggap ang mga ito. Balik tayo sa paglalaro ko. Kapag naglalaro kami ng mga pinsan ko hindi ako madalas makipaglaro sa mga pinsan kong babae laging doon sa mga pinsan kong lalaki dahil na din siguro mas kasing edad ko ang mga pinsan kong lalaki. Robot, tau-tauhan, kotse-kotsehan, at kung anu-anong larong panlalaki ang nilalaro ko. Masaya naman ako dito. Naglalaro din ako ng mga pambabaeng laro tulad ng lutu-lutuan, bahay-bahayan at iba pa. Normal lang siguro yun kapag bata pa. Ang hindi normal ay ang kagustuhan kong maging lalaki.
May mga manyika din ako na binibili sakin ng mga magulang ko. Kapag ako lang magisa sila ang mga kalaro ko. Mukhang normal lang dahil babae ako kaya manyika ang nilalaro ko pero ang hindi normal ay ang kunwari ay ako yung tatay at sila naman ang mga anak ko.
May tita akong mahilig akong asarin at dahil bata pa ako kung anu-ano ang tinatanong nila sakin at madalas ay para utuin lang ako. Tinatanong ako palagi ng tita ko kung ano ako "girl or boy?" at proud ko namang isasagot "boy!" matatawa ang tita ko at sasabihing "hindi girl ka!, sabihin mo girl ako" at ako naman ay susunod at sasabihin ng mahina "girl ako.."
Nang ako ay nagaaral na, madalas kaming pinapabasa ng sabay-sabay ng aming guro at nagtataka ako dahil kakaiba ang boses ko kumpara sa mga kaklase kong babae. Boses lalaki kasi ako hindi ko alam kung sadyang nadedevelop yun kapag nakatakda ka nang maging tomboy in the future. Baka nga unang nadedevelop ang adam's apple ng mga batang tomboy kumpara sa mga lalaki. Wala naman akong ininom na kahit ano para magboses lalaki ako. Basta na lang naging ganito. Gaya na din ng mga batang bakla, nagiging boses bakla sila -- may scientific explanation kaya dito?
Madalas akong asarin ng mga kaklase ko nung bata pa ako. Lalo na yung isa kong kaklase nung nasa elementarya pa ako hinding hindi ko siya malilimutan dahil ilang beses niya akong tinawag na tomboy, tibo, tbird at kung anu-ano pa. Katabi ko siya noon idol ko nga siya dahil malakas siyang mangasar at ilang beses niya ako napaiyak kahit na matapang ako. Minsan ay may ballpen siya na ang tatak ay Tombow pinabasa niya sa akin ito at sinabing ballpen ko daw iyon. Marinig ko lang ang salitang tomboy dati ay kinikilabutan na ako sa hiya, ni hindi ko nga mabigkas ang salitang ito.
Dahil idol ko nga ang kaklase ko na iyon naging mapangasar din ako mapababae man o lalaki ay nakikipagasaran ako. Ang madalas kong asarin ay yung kaklase kong babae dati dahil crush ko siya pero hindi niya alam yun ilang beses ko din siya napaiyak pero mabait siya kaya hindi siya nagagalit. Itatago ko na lang siya sa pangalang Jane. Naging bully ako, sobrang bully at madalas ay nasa guidance office ako kaya ayaw din sa akin ng mga teacher ko.
Turo sa akin ng mga magulang ko lagi akong magdasal bago matulog. Sinusunod ko naman ito palagi at hindi nakakalimot. Nung bata ako ang palagi kong wish at pinagdadasal bago matulog ay "sana po magkabird na ako pagkagising ko".
Ganyan ako lumaki. Ganyan nahasa ang pagiging tomboy ko kaya ngayon heto ako at ibinabahagi sa inyo ang pagbloom ng katomboyan ko.
KAMUSTA MGA KATROPA MABUTI NAMAN AT NAHANAP NIYO ANG BLOG SITE KO SA LAKI NITONG WORLD WIDE WEB! =)
Uumpisahan ko sa pagbibigay ng babala sa inyo tungkol sa mga nilalaman ng nakakagagong blog site ko.
Ito ay isang ordinaryong weblog na ang layunin ay isigaw sa mundo ang tunay na kulay ng author nito at upang mabuhayan ang ibang katulad niya na kabilang sa mundo ng third sex -- Kung may third world, may third party ay meron ding third sex at sila ay parang alien kung ituring dahil sa di lubusang pag tanggap sa kanila ng lipunan.
RATINGS:
RATED 18 - Dahil sa mga nilalaman nitong hindi angkop para sa mga nakababata at para maiwasan na din ang MTRCB.
RATED X - Dahil maaaring maglaman din ito ng malalaswang salita na ikakatuwa ng mambabasang mahihilig.
at higit sa lahat
RATED TIBO - Dahil ito ay blog tungkol sa katomboyan at BAWAL NA BAWAL ang mga taong may makikitid na pagiisip at walang alam kung hindi manghusga ng hindi nila lubos na naiintindihan.
oh mga tomboy at bakla at mga wanna be game na ba?
Uumpisahan ko sa pagbibigay ng babala sa inyo tungkol sa mga nilalaman ng nakakagagong blog site ko.
Ito ay isang ordinaryong weblog na ang layunin ay isigaw sa mundo ang tunay na kulay ng author nito at upang mabuhayan ang ibang katulad niya na kabilang sa mundo ng third sex -- Kung may third world, may third party ay meron ding third sex at sila ay parang alien kung ituring dahil sa di lubusang pag tanggap sa kanila ng lipunan.
RATINGS:
RATED 18 - Dahil sa mga nilalaman nitong hindi angkop para sa mga nakababata at para maiwasan na din ang MTRCB.
RATED X - Dahil maaaring maglaman din ito ng malalaswang salita na ikakatuwa ng mambabasang mahihilig.
at higit sa lahat
RATED TIBO - Dahil ito ay blog tungkol sa katomboyan at BAWAL NA BAWAL ang mga taong may makikitid na pagiisip at walang alam kung hindi manghusga ng hindi nila lubos na naiintindihan.
oh mga tomboy at bakla at mga wanna be game na ba?
Saturday, August 16, 2008
Friday, August 15, 2008
Saan ang CR ko?

Ang mga public CR ay ginawa lang para sa dalawang kasarian, ang isa ay panlalaki at ang isa ay pambabae. Minsan ay nagigng tatlo ito pero hindi para sa mga third sex kundi para sa mga disabled. Wala namang problema dito dahil dalawa lang naman talaga ang kasarian kung iisipin kaya ang mga lesbiana ay pupunta sa CR ng babae upang mangchix at magpacute at samahan na din ang mga girlfriend nila kung meron man at ang mga bading naman ay pupunta sa CR ng lalaki upang tumingin sa salamin at tumingin ng titignan kung may papayag na magpatingin. Marami talaga ang nagagawa ng CR sa kabila ng amoy ng iba sa mga ito.
Minsan ng ako ay magCR sa aming paaralan, isang magiting na bakla ang tumapak sa CR ng mga babae. Mukha naman kasi siyang babae sa unang tingin at kahit sa huling tingin ay babae pa din ngunit hindi talaga maitatago ang adam's apple na nagbavibrate at maglalabas ng malaki at malalim na boses kahit anong pag ipit ng boses ang gawin ng nasabing bakla. Idol ko siya dahil dito kung ako kasi yun, hindi ko kakayanin ang ginawa niya lalo noong mga panahon na iyon, siya ay isang freshman pa lang at bago sa aming paaralan pero kung ako naman ang gagawa nun ay di bale na lang dahil hindi ko trip pumasok sa CR ng lalake wala naman kasing chicks na makikita doon.
Katulad ng inaaasahan ay maraming bibig ang nagusap usap. Maraming tawanan ang naganap at maraming mapanghusgang salita ang lumabas. Hati ang pananaw ng marami tungkol dito dahil marami sa mga nakausap kong babae ay natakot dahil dito. May mga nagsabing dapat siya ireklamo dahil mali ang ginawa niya. May mga natawa lang, may mga nagduda kung bakla nga talaga siya o baka nagpapanggap lang at iba ang pakay sa CR ng mga babae, may mga dedma at meron din namang tanggap na ang ganitong bagay.
Kung ako ang tatanungin ay hindi talaga tama ang ginawa ng nasabing bakla dahil kahit ganoon pa man siya at masasabing walang masamang pakay sa pag pasok sa CR ng mga babae, dapat pa rin niyang malaman ang kanyang limitasyon dahil bilang isang bakla siya ay may lawit pa din na wala ang mga babae at ang mga babae ay may bulaklak at matatayog na bundok na wala ang mga bakla, kung meron man ay fake ang kanila.
anu vah... respeto lang sistah
Aminin natin na minsan tayong mga third sex ang may mali. Pero minsan bunga lang ito ng panghuhusga na natatanggap natin mula sa lipunan na hindi tayo lubos na matanggap. Ngunit hindi ibig sabihin nito na gumanti tayo sa kanila bagkus, ay dapat alamin din natin ang ating lugar upang wala tayong matapakan at masaktan. Respeto
May na-ikuwento ang prof ko nang isang araw na nakasakay siya LRT sa train na puro babae lang. May isang bading na nakipagunahan pa sa kanya sa upuan na dapat ay mga babae lang ang nandoon dagdag pa na buntis siya ng panahon na iyon.
anu vah... respeto lang sistah
Ang pananakot ng mga tomboy sa mga girlfriend nila na gusto ng makipagbreak. Marami na akong nabalitaang ganito at nakakahiya ang pagiging "obsessed" ng iba sa atin.
tol, bad yan nakuha mo na naman gusto mo di ba?XD
Mahirap talaga ang dapat may limitasyon. Mahirap talaga ang hindi tanggap. Pero kung may disiplina, may chicks/fafa.
Saan na ang CR mo?
Subscribe to:
Posts (Atom)

